Thursday, October 27, 2005

it's been a great month, really.

hehe =)

excited na ako!

kaya lang, what really is so damn hard to do is saying goodbye to all the people who have been part of my growing up. sa sobrang dami ng operators na love ko, di ko malaman pano magbaba-bye sa kanila. nakakatouch malaman na they wanted me to stay. hehe =) kung alam lang nila...

sobrang productive ng huling buwan ko dito. para bang learnings about life, about work, nacompress into one month. marami akong masasaya, malulungkot, nakakapanindig balahibo, nakakapangngitngit, nakakahighblood na mga experience.

dito ako unang nakaexperience ng total failure. nang unang feeling na, "ginawa ko na ang lahat, pero wala pa ring nangyari...!" dito ko naranasang walang maka-appreciate ng ginawa ko. dito ko rin naexperience yung ma-out-of-place sa mga tao. dito ko rin naranasang maligaw, yung hindi mo alam san ka ba talaga lulugar. dito rin yung unang nagparamdam sakin na wala akong powers [for whatever that means]. dito rin yung pinaghirapan ko itanim, iba yung mag-aani. dito rin yung nakapagbaba ng self-esteem ko. yung halos wala na akong matirang amor sa sarili ko. halos makalimutan ko na ngang may silbi ako eh.

at sa lahat ng ka-bitter-an ko, nahihirapan pa rin akong umalis. kasi, mahal na mahal ko yung ibang tao dito. seryoso. kung di ko lang naimagine dati na ganito katindi yung epekto ng pag-alis ko, sana nung march pa lang, wala na ako. it's the people, some people that made me stay longer. kung sino-sino sila. basta. i think they already know who they were. palagi ko naman yun sinasabi sa kanila eh.

madami pang dapat tapusin. nakakahiya sa beloved boss ko. posibleng last entry ko na ito dito sa PC na ito, kaya astig tong entry na to sa blog history ko, hehe =)

um, kelan kaya yung next entry ko dito?

1 Comments:

At December 06, 2005 5:20 PM, Blogger Baby Girl said...

what up? what up? cielo / cloe ito!!!

 

Post a Comment

<< Home