The First Day of My Last Month
Started out pretty weird.
Una, pagsakay ko pa lang ng FX, wala akong barya. As in buo talaga kaperahan ko. Asar. Syempre, mula ng iabot ko yung bayad ko, nagsimula na yun driver na dakdakan ako ng walang tigil. Kesyo daw, abala, sayang sa gas, ang haba-haba daw ng weekend bakit di ko hinana=da pamasahe ko etc. E kaso, sobrang ngarag ata ako, hindi ako makarelate sa galit nya. Inaantay ko ngang sabihing bumaba ako eh, kaso hindi nya ginawa. So I stayed in his taxi, hehe =) In the end, pinagbayad nya lang ako ng kahit na magkanong barya meron ako. Unfortunately for him, I only have around 6pesos in my purse, haha. Tas yung old lady sa harap ko, balak ba namang makisali sa pagna-nag sakin nung driver, kesyo daw tanghali na. Tinitigan ko nga sa mata, sabay sabi, 'wala namang may gustong makapang-abala sa ibang tao eh'. Hala, natakot ata sakin ang lola mo, at hindi na ulet nagsalita at tumingin sakin. Haha.
Pagdating kong MRT, well, unexpectedly, sobrang madameng tao na. Well, I guess kase Monday morning. Pero sa dami ng tao dun, nakakatawa, nakita ko si Walter, classmate ko nung college. Naalala ko, sabi nga pala nya, meron daw syang interview sa Interphil. Wawa naman, nibigay ko na yung MRT card ko sa kanay para hindi na sya pumila at ma-late sa interview nya, Laguna pa kase byahe nya eh. Hindi naman kame masyado nakapag-usap kase sobrang siksikan sa train.
Pagdating ko dito, excited na akong mag-lunch out with TP, dadating daw kase sya to get his separation pay. Pero hindi natuloy, kase, wala pa pala yung sep pay nya. Wawa naman si TP. Pero nakapaglunchout pa rin kame, PAncake House. Grabe, the best talaga yung gravy nila!!! Damn!
Ayun... Tas busy-busyhan ako whole day. Pero nakauwi ako ng maaga. Sumabay ako kay Mards, hatid nya akong SMBic.
[Naku, third time ko ng ginawa itong post na ito ha! Kailangan, mai-post na talaga ito!]


0 Comments:
Post a Comment
<< Home